8.04.2019
Dapithapon @
10:12 AM
Sana.
Salitang nasasambit natin kadalasan, paghuli na. Sana nasabi ko ng masa maaga, sana nalaman niya.
Sana, sana.
Ito’y isang liham para sa lahat ng naging sana ko nitong nga nakaraang taon.
Sa aking unang “sana”. Maganda ang naging samahan natin. Masaya akong binabalik balikan ang mga alaala natin sa klase. Bagama’t hindi ko pa rin tunay na nauunawaan kung papaano tayo naging magkaibigan, nagpapasalamat ako at nagkakilanlan tayo. Siguro nga hanggang dun lang talaga ang takbo ng kwento natin ano? Sana nagawa ko pang tumawa at makinig sayo sa mga panahong kailangan mo ng sandalan. Sana nagawa kong maging tunay at tapat na kaibigan.
Sa unang nagpakita sakin na possibleng mahulog ang loob ko sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Sa panahon kung san pinili kong isara muna ang pinto ng puso ko dahil ako’y napagod at puso ko’y pagal, salamat. Ipinakita mo na ang tunay na nagmamahal, nagbibigay kahit na masakit minsan. Sa buong puso mong pagpapakita ng malasakit sa mga taong mahal at minahal mo, natutunan ko na ang tunay na pagmamahal ay mapagpalaya. Lahat tayo may kakayahan na piliin mag mahal kadalasan lang tumatanggi tayo.
Sa aking bulalakaw, na minsan lang sa buhay ko dumaan, hindi ko pa inasahan. Salamat sa pagpapakita ng malasakit. Bagama’t may krus karing buhat at hindi ito naging
madali sayo, salamat sa katatagan mong ipinakita. Ang biglaang pagtatagpo natin ay marahil may dahilan, kung bakit kinailangan pa natin magkita sa hindi magandang pagkakataon yan ang hindi ko
mawarii. Nawa’y masaya ka sa landas mong tatahakin.
At sa iyo, na sana’y pinakahuli ko na. Maraming salamat sa saya na ibinigay mo. Bagama’t saglit lamang ang pagkakakilanlan natin, matinding galak ang dinala nito sa buhay ko. Nagawa mong mapatalon ang puso kong nagalit sa mundo ng panandalian. Ngunit nagawa mo ding paluhain ako. Hindi ko inasahan ang mabilis na pangyayari ngunit ang lagi ko na lang iniisip, lahat ng bagay ay nangyayari ayon sa nakatakda.
Salamat sa muntik na sana pero hindi umabot. Salamat sa pagpapaalala na buhay pa pala ang puso ko, hindi pa ito patay, tumitibok at nasasaktan pa rin. Salamat sa pagpapaalala na ang tunay na ganda ay hindi lang panlabas, pati ang kalooban. Salamat sa dala mong sakit, nagawa kong magsulat muli. Higit sa lahat salamat sa baon mong aral. Masakit man pero kailangan.
Sa lahat ng mga sana ko.
Lahat kayo’y may importanteng bahagi sa buhay ko, at may munting puwang sa puso ko.
Ngayon panahon nang ibaon ang mga Sana.
Paalam at salamat.
7.11.2016
Poignancy @
5:37 AM
"Moon river, wider than a mile. I'm crossing you in style. Someday"
I pray I reach that someday, wherever that river may take me. I'm approaching another year old, and I look at fragments of memories, and all I see are beginning without endings. Meetings without closure. I'm tired of being poignant. I know there are good days and bad days. Some days are just terrible than the others.
I remember the "mean reds" as holly coined it. You're scared, your sad and yet you just never know when it'll all end. I'm satisfied with where I am right now, Somedays, when I see how well things are going, I feel invincible. I feel strong enough to stand on my own. But during the blues, I feel the ache of being alone.
If there's one thing I learned in the years that have gone by, it's the fact that people can't simply enter and leave some other people's lives simply because they deem it best for them. The excruciating process of getting to know people, caring for them and then trying to cope with their departure, it's all a pain. Sometimes I wish we could all do away with this. Sometimes I wish we could be "loneliness" 'for the time being. To be given the power to enter and leave at the snap of the finger. But that's the thing, we aren't loneliness. We can but feel loneliness.
I know I'll reach the end of my moon river, I just pray that I'm granted the patience to continue rowing till I cross that river. Maybe a companion to help me row till the finish perhaps. I don't know, but I'll get there someday.
11.01.2015
Paumanhin @
9:58 AM
Gawi nang matagal din akong hindi nakapagsulat sa wika na pinaka komportable ako, at naniniwala akong mas maipapahayag ko sa payak na paraan ang saloobin ko nang gamit ang midyum na ito, isususlat ko ang post na ito sa Filipino.
Sa totoo lang, masaya ako nitong mga nakaraang araw, pinili ko yun. May isang malapit na kaibigan kasi akong nagpayo na ayos lang naman daw na maging masaya. Matagal tagal na din nang huli kong madama ang ganitong saya, kaya gusto ko lang sabihin, salamat.
Wala tayong kahit ano mang ugnayan, magkaibigan marahil, pero yung mga nararamdaman ko, hindi lang basta pang kaibigan. Pero kahit ganun, masaya ako. Salamat kasi dahil sa'yo naramdaman ko na buhay pa pala ako, at ayos lang naman pala maging masaya. Yung totoo, habang unti unti kong nabubungkal at nakikilala yung pagkatao mo, ay mas natutuwa ako sa'yo. Salamat kasi unti-unti ko na namang binuksan ang sarili ko sa posibilidad na tulad ko, may mga simpleng tao pa rin na natitira. At hindi ko na kinakailangan pang magtago sa sakit o kaya sa storya ng buhay ko para may makaintindi sakin.
Salamat kasi unti-unti mong sinusubok yung tatag ko ng loob. Alam kong habang unti-unti kitang kinikilala ay unti unti akong napapalapit sa isang masukal na bangin. Kailangan mong tumalon, oo pero nag-aalangan pa ko. Pero dahil bukas na ko sa kung ano mang maaring mangyari, nais na naman kitang pasalamatan, kasi habang sinusubok mo ko, ay unti-unti akong tumatatag.
Paumanhin kung hindi pa kita lubos na kinakausap, paumanhin sa distansya, hindi ibig sabihin nito ay bumalik na ulit tayo sa dati, tinitimpla ko pa lang kung anong dapat mangyari, at kung anong dapat gawin. Muli humihingi ako ng panahon. paumanhin, paumanhin, konti na lang, paumanhin.
10.17.2015
Agam-agam @
10:57 AM
"nag-iisip kung dapat bang bumitaw"
Napanood ko na din sa wakas ang isa sa mga pelikulang matagal ko nang inaabangang panoorin. Akalain mo sa ganitong panahon ko pa siya mapapanood, sakto sa lamig at hangin. Maraming mga bagay na umaantala at pasikot sikot sa isip ko sa totoo lang, kaya nga hindi ko mapigilan na magsulat. Magsulat na para sa aking sarili, para sayo nakakabasa nito, sa kabarkada ko at sa kapit bahay ko na possibleng may agam agam at may pinagdadaanan din na tulad ko. Huwag mo sana akong pangunahan, hindi naman sa may pinagdadaanan ako, marami lang ako iniisip, mga bagay na alam kong hindi ko na dapat hinihimay, pero wala nagkakataon na naiisip ko pa din.
"Makikinig ba ko sa aking isip na dati pa namang magulo"
Oo aminado ako na magulo ako, minsan oo, pero madalas hindi. Mukha akong matatag, matapang. bato. Pero ang totoo, tao din ako, nasasaktan. Kung inaakala mo na hindi ko kayang magmalasakit, nagkakamali ka marahil. Kinailangan kong maging bato, maging matatag, hindi ko ginusto yun, kinailangan kasi dala ng panahon.
"kulang na lang atakihin, ang paghinga'y nabibitin"
Minsan, gusto kong ipakita yung pagmamalasakit ko. Kasi alam kong kaya ko naman yun, alam kong kaya ng puso ko yun, kaso natitigilan ako. Napapaisip ako, tama ba talaga tong ginagawa ko, anong sasabihin ng tao. Laging may alintana, pero wag ka sanang mag-alangan, lagi naman akong nag-aalala sayo, hindi mo lang napapansin, kasi hindi ko pinapakita. Mas maigi yun, para sa ikitatahimik ng lahat. Nagtataka ka man o hindi, ako sigurado ako, sigurado akong mahalaga ka.
9.29.2015
Morphine @
1:26 PM
I wish I could turn off feelings, just like I could turn off the lights. To erase what I feel and think, just so things happen differently.
The reason why I don't like holding people so closely to my heart because I'm afraid of the day they leave. I'm afraid to care enough, because I know the moment I do, I'll be pulled in to this massive black hole of emotions. Please don't get me wrong, its not that I don't care, its just that I choose not to, because it lets me feel less humane and vulnerable.
When you see the people you love hurting in the most painful way possible, it scares the living crap out of you. You try to run away from feeling and hurting as much as possible. You get scarred and everything just collapses.
So please I beg you, just give me more time. I promise I'll let you in. Trust me I will. Just give me more time to get through this trauma. I can feel, I can love and I do care, trust me, just give me time. I'll let you in, tell you all my secrets, If you do the same.
9.19.2015
benda @
10:47 AM
Nitong nakaraang mga araw ay muli kong binalikan at binasa ang isa sa mga paborito kong libro noong bata pa ko na pinamagatang Munting Prinsipe, dala na din ng pagkatuwa sa dulang napanood namin noong nakaraang linggo.
Tunay ngang hindi naluluma ang kwento't aral nito, dahil kahit halos isang dekada na ang nakakaraan nang mabasa ko ito ay malakas pa din ang patama ng munting prinsipe sa lahat ng mambabasa nito. Kung kaya naman patuloy na nananatiling isa sa mga paborito ko ang librong ito.
Nang ako'y nasa ika-anim na baitang, paborito kong balik balikan ang mga linya ng alamid (siguro nga bata pa lang ako, mahilig na akong humogot) pero nang muli kong basahin ang libro, mas tumatak sa akin ang linya ng munting prinsipe. Aniya, ang mga matatanda daw ay nakatuon lamang sa mga bilang, yun lamang daw kasi ang importante. Lingid sa kaalaman nila ay may mga bagay na mas importante pa sa mga numero at bilang.
Sa totoo lang, nitong mga nakaraang taon, aaminin kong nakalimutan ko nang mag-isip nang parang bata, siguro dala na din ng mga pangyayari, kaya kinailangan kong tumanda agad. Mas madaling maging manhid sa sakit, umasta na parang walang nararamdaman, iwas komplikasyon kasi yun. Mas madaling hindi humingi ng tulong, hindi umasa, at hindi magpakita ng kahinaan.
Hindi mo na kinakailangan pang ilahad ang kwento mo, o magpaliwanag kung bakit ka nagmamatigas, kasi tanggap na ng lipunan na ganun ka. Hindi ba mas madaling ganun? Mas madaling maging matanda, kaysa maging bata na marunong mangarap ng mataas. Isang bata na hindi takot magtanong, walang alinlangang magkamali, at hindi nagaalangang magalusan, madapa at bumangon. Isang batang hindi takot magpakita ng kahinaan, ng emosyon at ng pagtangos.
Nitong nakaraang taon, mas pinili kong umasta ng parang matanda, kasi mas madali para sakin. Mas madaling ilahad sa tao kung ilang taon na ang nakalipas nang umalis ka, kung ilan taon ka nung lumisan at kung gaano katagal ka pa namin nakasama. Nakalimutan kong alalahanin yung mga importanteng bagay. Kung papaano ka na nga ba tumawa pa, kung anong paborito mong awit, kung papaano mo ko pagsabihan pag galit ka o kaya pag nagaalala ka.
Pinili kong maging matanda Pa, kasi mas katanggap tanggap yun ng lahat. Hindi ko napansin na sa nais kong mas mapadaling tapusin ang pagluluksa, ay mas napadali ko din ang paglimot sa alaala mo. Minsan natatakot akong aminin sa sarili ko na nangungulila ako Pa, kasi natatakot akong mabasa ng mga tao, na matawag na mahina. Kasi hindi pwede, hindi maari, lalo na para kayna Mama.
Pero hindi naman pala masamang maging mahina, hindi naman pala masamang magpakita ng emosyon. Eto yung kailangan kong matutunan pa. Sana yun ang maiwasto ko. Nais kong matutunang bukasan ang sarili ko sa sakit, kasi alam kong ito ang magpapatatag sakin. Ang mga sugat ng nakaraan ang siyang bubuo ng kwento ng kinabukasan. Nawa'y magkaroon ako ng lakas ng loob na unti unting tanggalin ang benda ng mga sugat ko. Siguro sa tamang panahon.
7.19.2015
Infatuated by thoughts @
7:10 PM
It has indeed been a while since I last held the keyboard just to simply write down thoughts and musings about things. What better time to do that but today, when things seem too vague, and all I can do is be dizzy with the endless thoughts sifting through my brain.
Today's post isn't about a rant or about things bothering me, I just wanted to share my take on a certain article that has caught my eye very recently. Here's a short gist on the piece; So the writer is a young Millennial just like me, and perhaps just like you random person reading this blog post. The writer mentions about how our generation has been hopelessly searching for love.
I could not agree with the writer any less, now o days kids tend to mistake love for a feeling that sends shivers down one's spine. One that sends feels all over, I guess that's the reason why when a sad love song plays, we all chose to empathize and bask in a short moment of feels. . But my only questions now is do we really know enough of what love is to ask for something such as this?
To be honest, I'm 22 years old and I myself can't really define what this so called idea of love is, let alone teenagers age 9-18. My point is I guess, is that we have the tendency to mistake love for romance. For example, I don't really know if this will count or what, but I'm currently watching a Korean drama right now, about 30 something year old professionals, who's been best friends since forever(well I guess 17 years would count). Anyways, the woman, has been searching for love all her life, but the truth is she regrets to see that what she really wants to experience is romance and not love. (Well because to be honest, if its love you've been searching for all you had to do is turn around and tadaaa your best friend's there). With this mistake then, the woman continues to search for love in all the wrong places, regretting to see that the person who truly loves her has always been there all along.
So whats the moral then, well put it simply, that our generation has so often been blinded by the idea of romance as love, admit it we've all fallen prey to this. With this blinding thought, we so often fail to realize that the kind if love we need aren't complicated love triangles, or ones with dramatic plot twists, the kind of love that good for us, are the simple ones. Just like life, ain't things ought to be simple?
So the next time you think that no one out there loves and cares about you, look around you, that kind of simple love maybe closer than you think.