My life in black and white
Puzzle Pieces

Just like a game of connect the dots
We learn to derive things from previous experiences,
We learn to accept the realization that indeed everything happens for a reason.
And that every experience is a learning lesson.
We learn to smile, laugh and cry
We smile when it hurts, laugh to hide the pain
and love till it hurts no more
this is the beauty of it all
and I wouldn't have it any other way
6.23.2011
Gusto ko namang maging ELEVATOR minsan @
9:34 AM
"Bakit mo ba ipagpipilitan ang sarili mo sa Elevator kung mayroon naman stairs dyan, di mo lang napapansin."
- Bob Ong
Tama na naman si Gng. Bob Ong, at oo asintado na naman sa sitwasyon ng mga tao nalilito. Kung ikaw nga naman ay nagmamadali na, syempre mas pipiliin mong pumila ng matagal at isik ang sarili sa masikip at kulob na elevator, pero minsan nakakasawa din eh, lalo na kung paulit ulit kang iniluluwa o sinasaran ng elevator, aba naman sobra na yan, di ko alam kung tamad ka lang mag stairs o tanga ka lang talaga para pilit na makisiksik kahit ilang beses nang tumutunog ang "overloaded" warning. Hala te, di kaya madisgrasya kayo niyan?
kanina ganun na naman ang sitwasyon, di ko alam bakit ipinilit ko pa rin, gayon may pagkakataon naman akong pumili kung sasama ako sa inyo o sa iba, kaya lang nabulag na naman ako kanina, akala ko pagkakataon natin para mag-usap, di pala.
Nagtanung ka pa eh, kung bakit mahirap bitawan ang mga taong nakasanayan o di kaya mahalaga, at anong sagot ko sayo? Hindi ba't sinabi ko sayo na ako din mismo nahihirapan na bitawan ka, nahihirapan akong tuluyan kang pakawalan, kasi nasanay na ko sayo, na andyan ka, sagot kita, sagot mo ko. Pero dahil ikaw ang dakilang MANHID, hindi mo na naman nalaman o naramdaman na ikaw yun, akala mo iba.
Naiinis na naman ako, pero sa ngayon sa sarili ko. Napaka unfair ko kasi na ikaw ang sinisi ko sa mga nangyari, gayon ako naman ang may kasalanan, at pilit ko paring inuulit ang mga katangahan ko, kaya nga nag-bati na tayo eh. Ang kaso lang eto ka na naman at ang mga lihim mo. Sa totoo lang, di ko alam paano makikitungo sayo, gayun na may nararamdaman nga akong kakaiba sayo, i kwento ko kaya sayo yung mga nararamdaman ko sayo, pag-ginawa ko kaya yun, matutunugan mo na ikaw yung lalaki na tinutukoy kong di ko mabitawan? o manhid ka talaga at pilit kang magtatanung kung sino yun, at ipipilit humula ng iba.
anlabo ng sitwasyon natin, nahihilo ako, pero tulad ng kaibigan ako, ayaw konng pakawalan, yung tipong di bale nanag masaktan. Masaya ka naman eh. Pero lintek na to ang hirap pala. ang hirap nakakaloko...
Palagi na lang ba akong stairs sa buhay mo? sana next time ako naman ang elevator, sana sa susunod na kabanata. stairs naman siya, o kahit hagdan ako pero sana napapansin mo naman kahit papano. di tuld nang kanina. Sana sa susunod ako naman.
"umiiyak ang aking pusong nagdurusa, ngunit ayokong may makakita."