"asa tao naman kung pipiliin niyang masaktan o hindi."
Ang akin lang eh dahil blog ko naman to, e sana pag-bigyan na ako dito. Di ko kasi alam kung anong nanagyari talaga? Pakiramdam ko masyado akong nagpakatanga sayo, takte naman akala ko ba mag kaibigan tayo? Walang hiya ka naman kuya eh, sakin ka pa nag-lihim, pakiaramdam ko pinaikot mo lang ako sa mala teleserye mong buhay, habang mukha akong tanga sa kaiisip kung okay ka lang ba, at nag dadalawang isip ako kung sasabihin ko sayo na nagkabalikan na ulit sila nung nobyo niya, pero siyempre ayoko, dahil ayokong makagulo, at higit sa lahat ayokong masaktan ka.
ako lang naman ang dakilang tanga kasi syempre isipin mo na lang ang pagkagulat ko nung malaman ko na binalikan mo na din yung nobya mo, na iniwan mo sana para sa "kanya". Ayos ka din eh, pareparehas ata tayong nag-lolokohan eh, pero syempre bilang isang mabuting kaibigan, ayos lang sakin, iniintindi kita, kahit na walang hiya yung sakit na idinudulot nun sakin. Kaya sana nga, kahit ngayong araw, at kahit hanggang bukas eh bayaan mo muna ako mabanas sayo, kasi di ko lang siguro kayang itago ngayon tong nararamdaman kong inis.
Siguro nga ako ang dakilang tanga ngayon, syempre mali na umasa ako diba, mali na pinasok ko sa kokote ko na kahit konte siguro mapapansin mo ko. Sige naintindihan ko yun, kaya nga okay na sakin kahit mag-kaibigan na lang, tapos napunta tayo sa magkapatid, lintek na magkapatid yan, mas mahirap pala yan, akala ko mas madali, takte doble pala ang hirap ngayon. Magkapatid tayo eh diba, bantay sarado natin ang isa't isa, sagot kita, sagot mo ko. Pero punyemas naman, bakit ba parang nung napunta tayo dito eh mas tumindi pa yung pag-asa ko sayo.
kung okay sakin ang mag-kapatid, bakit mas masakit ngayon? akala ko nagmamalasakit lang talaga ko sayo eh, na espesyal ka lang na kaibigan para sakin, kaya nga mas nabibigyan pansin kita, pero letse di pala. Akala ko oras ko nang "magkaron" kaya emosyonal ako nung nakaraang linggo, pero letse di pala, kasi bakit ngayong linggo, eh banas na banas pa din ako sa balita na nagkabalikan na kayo. Alam ko ako pa nga mismo ang nag-sabi sayo na maganda "siya" habang baliw na baliw ka pa sa kakahabol sa "kanya", pero lintek na buhay naman na to, balikan ba? Ano nang nangyari dun sa sinabi mo sakin nung nakaraang linggo? yung "all i know is i want her." okaay ayan naa. gago ka, gago siya at masakit mas sabihin, gago din ako.
wala akong karapatan masaktan eh, alam ko yun, pero tulad nga ng sabi ko kanina, blog ko to, kaya pwede, kahit dito eh pagbigyan na ko. Sa totoo lang di ko alam paano makikitungo sayo bukas, alam mo yung gusto ko magalit sayo, pero di ko magawa. Siguro nga pagod lang ako, pero ang tanging alam ko lang eh 2 araw na kong nag mumokmok, at kahit nakakain na ko ng tsokolate eh masama pa din ang pakiramdam ko, di ko alam kung ako may problema o yung puso ko.
kaya nga siguro ang laki ng pasasalamat ko ngayon, dahil kahit sandali eh nagawa kong malimutan ang nararamdaman ko, kahit papano dahil nagawa kong magpakalunod sa trabaho ko. Kahit makita ko pa yung prinsipe ko, di pa rin sapat yun para malimutan ko yung sakit.Gusto kong magalit sayo, maasar, pero tulad nga ng sabi ko, wala akong karapatan, kaya nga dito na lang ako nagmumukmuk.
Sabi nga ng kaibigan ko, ang husay ko daw mag hanap ng pares ng 2 tao, sobrang husay, ayun pati yung gusto ko, naipares ko na din sa iba. =)) ako na ang dakilang tanga. Masarap tumawa, pero sa ngayon, gusto ko lang muna umiyak. gusto ko ng ice cream, at kahit isang gabi, please lang gusto muna kitang malimutan, bukas siguro okay na ko, basta ang alam mo ko lang 2 araw na kong nag mumukmuk at kailangan ko lang siguro tong ilabas.
Sabi ko sayo kanina, galit ako sayo, at naasar ako sayo. Oo totoo yun, iba lang yung rason na sabi ko sayo, pero totoo yun, buisit ang laki ng pasasalamat ko at di tayo magkasama kanina, siguro kung nagtabi pa tayo, baka najuindang na ko, syempre ako naman si tanga, oo lang, game sa lahat eh, masokista nga? okay lang kahit na nasasaktan sa kaloobloban, tangina sarap palang masaktan eh, okay lang yan, fight =))
Sa ngayon, di ko alam kung bakit ako naasar, di ko alam kung bakit masakit at takte kung bakit hanggang ngayon nag-aalala ako. Di ko alam, gusto kong pigilin, takte kung alam ko lang sana paano. Sana galit na lang ako sayo habambuhay, para di na ganun kahirap, pero letse di ko nga kaya. kaya siguro itutulog ko na lang to. Mabuhay tayong mga tanga =)) para sa lahat ng mga dakilang tukmol na pilit kinakaya lahat ng sakit pero konti na lang eh bibigay na, saludo ako sainyo, pero sa huli balibaliktarin mo man ang laptop niyo eh sa huli, TANGA pa din kay. -bow-