My life in black and white
Puzzle Pieces

Just like a game of connect the dots
We learn to derive things from previous experiences,
We learn to accept the realization that indeed everything happens for a reason.
And that every experience is a learning lesson.
We learn to smile, laugh and cry
We smile when it hurts, laugh to hide the pain
and love till it hurts no more
this is the beauty of it all
and I wouldn't have it any other way
10.10.2011
Ito ang simula @
10:27 AM
hindi ako okay, oo marahil lagi kong sinasabi na okay ako, pero yung mga kasinungaligan na yun, laging may laman, kung baga, may mga second meaning. Kanina natapos ko na ang online novel na 548 heartbeats.Nakakatuwa marahil, dahil happy ending sila nung bida, matapos mahirapan ng lubus yung bida, matapos siyang lumuha ng gallon gallon na luha at masaktan ng ilang beses eh nakamit niya naman yung happy ending niya. Nakuha niya yung gusto niya. Ang galing no? kahit pala papano eh uso pa rin sa mundo natin ngayon yung mga happy endings, kahit nga medyo ironic kasi paano nga magiging "Happy" ang ending lalo na kung ending na nga diba? pero all din end well kaya kudos sa kanya dahil kahit papano eh habang binabasa ko siya eh kahit papano naramdaman ko na kahit papano may pag-asa pang magkaroon ako ng happy ending.
Oo marahil nagtataka kayo kung siya pa rin ba ang tinutukoy ko?
Tama. siya pa din.
Round two na ng sakit sa puso, at kung tutuusin eh medyo immune na ko sa pang-gagago niya. Paano ko naging immune, simple lang nakakaya ko nang talikuran siya, habang naglalandian sila nung mga babae niya, o sa bokabularyo niya eh "kaibigan" niya. ang galing no. lahat naman ata eh 'kaibigan" niya eh, kaya nga siguro ang saya ng buhay niya, ang kulay eh. ayus din si kuya eh.
Masama ang pakiramdam ko noong mga nakaraan araw, sa totoo lang di ko alam kung bakit. pero alam ko nakadagdag yung sakit na nararamdaman ko. Nakakapagod na ang ngumiti, mag suot ng maskara nakalagay na "OKAY AKO" kahit na walang hiya di naman talaga. kulang na lang ata eh maglagay ako ng arrow sa taas ng ulo ko na nakalagay eh 'TANGA" para lang mapansin mo na kinakarer ko na talaga ang pagpapakatanga =)) ang saya saya.
okay ang bitter ko na naman, pero minsan kailagan ilabas para maging okay. Nagdasal ako nung isang araw, at isa lang ang sinabi sa kin, mag sulat daw ako mula sa kaloob looban ko para maging okay daw ako. Siguro nga namiss ko ang magsulat kaya kailagan ko ulit maglabas, para bumalik sa dati ang sistema ko. Tri-ny ko ang mag- libang para mawala ka sa isip ko, sabi ko nga sa kaibigan ko kailangan ko mag-pakalunod, lang ya di naman pala epektibo yun.
Sa totoo lang gusto ko nang maging okay, kaya lang para di ata ako pinapayagan ng tadhana. sa tuwing aalis ako, lalapit ka pa, pag ako naman ang lalapit, ikaw ang lalayo. napapagod na ko sa paghahabulan natin. para tayong aso at pusa. mukha tayong tanga. sa totoo lang ayoko nang maghabol. nakakapagod na rin naman, mag -aantay ako ang masakit eh sa wala pa. leche pero pag sa iba meron kang panahon.
Walang karapatan.
oo wala akong karapatan para ma bad trip, kasi ano nga ba ko sa buhay mo, haha edi wala lang, kaibigan din, katulad ng mga sandamakmak mong babae, na halos sa araw araw ata eh pinagpapalit palit mo, parang damit ba ayus ka din eh, fashionista ka koya? hindi ko alam kong anung klaseng pagreretaliate ang gagawin ko sa mga susunod na araw, pero utang na loob lang, sana ilayo ako ng tadhana sayo, kahit sa mga susunod na araw.
kaya lang.
"I take one step away. yet I find myself looking back to you, my one and only you."
huwatta song Parokya ni Edgar ah. oo tama kahit anung layo ko eh sa huli ay bumabalikbalik pa din ako sayo. Di ko nga alam kung bakit eh. Masaya ako dahil sa tinagal tagal na din ng panahon eh narealize ko na magaling pala ako umarte, akalain mo, naitago ko sayo yun nararamdaman ko, hindi lang yun, mukha akong okay sa lahat ng mga kaibigan natin, kahit na letse di naman talaga. kung baga pang - Famas ang performance ko ah, kaya wag is-molin.
kaya ko to, magiging okay ako, gusto ko na talaga maging okay, kasi napapagod na din naman ako sa pagsisinungaling, minsan nga gusto ko na lang umiyak, di ko lang alam kung kanino, kasi halos lahat ata eh boto sa labteam niyo. ang galing galing naman, talo na ko, di pa nga nagsisimula yung laro. Oo, marahil lagi akong talo, kasi sa simula pa lang eh nagdefault na ko. mas okay nga siguro yun :) ayus diba? para sa ikakabuti ng lahat, mag quit na lang ako. para wala nang gulo.
kaya sa ngayon, alanganin pa din ako, kung by default ba oh magpapatalo ako, eh kahit sa simula naman di ako marunong lumaban, kaya kaysa lumaban ako, magpapatalo na lang ako.
sawa na ko mag emo. pagod na din ako sa kakasalita. kaya nais ko na munang tapusin etong blogpost na to dito. bow :)