My life in black and white
Puzzle Pieces

Just like a game of connect the dots
We learn to derive things from previous experiences,
We learn to accept the realization that indeed everything happens for a reason.
And that every experience is a learning lesson.
We learn to smile, laugh and cry
We smile when it hurts, laugh to hide the pain
and love till it hurts no more
this is the beauty of it all
and I wouldn't have it any other way
6.12.2012
Tabing @
11:22 AM
marahil nakakapagtaka ang pangalan ng aking blog post, para sa mga hindi nakakaalam, ang salitang "tabing" ay madalas gamitin sa mga script para sa mga dula. kaparehas lang sila halos ng ibig sabihin nga pag-tatapos. Ito na marahil ang pagtatapos, at sana'y hudyat ng magandang pagbabago.
Itong blog post na ito ay inaalay ko sa isa sa mga kaibigan ko na naging malapit sa akin nitong nakaraang taon. Isang anibersaryo kasi ang ipinagdiriwang namin, dahil isang taong na ang nakakaraan nang una akong lumuha, at siya ang karamay ko noong mga panahon na iyon :) kaya naman kaibigan, kung nababasa mo ito ngayon,ibig kong matawa, maluha, or marahil mainis ka, ngunit isa lang ang nais kong hilingin mula sayo, nais kong intindihin mo kung saan ako nangagaling ngayon.
Isang taon na ang nakakaraan ng una kitang iyakan, nakakatawa kasi noong isang araw ipinakita ko sa isa sa mga na biktima mo yung mga emosyonal kong blogpost ukol sa mga damdaming aking itinago. bukod dun ilan sa mga kabarkada mo eh kaklase ko pa, kaya talagang ayaw nila akong tantanan sa pang-aasar ukol sa nakaraan. yung totoo eh, nakakatawa kasi minsan kapag naalala ko na ganun ang naramdaman ko, naalala ko kung gaanno ako nagpaka-gaga, hindi ko alam na kaya ko palang mag-pakatanga ng ganun. Akalain mo nga naman yun diba?
Pero ang nakakatawang balikan eh yung mga pagkakataon na napapaisip ako, paano kaya kung nalaman mo, o paano kung nasabi ko sayo? may nangyari kaya? ilang tao na rin ang nag-bigay payo sakin na sabihin ko na lang raw, para hindi na ako mahirapan, para nga daw "no regrets" ika nga. pero katulad nila, natakot ako, oo naduwag ako. lagi ko ngang sinasabi sa matalik kong kaibigan, kapag nag-bitiw ka ng mga salitang ganun, maging handa ka sa magiging sagot, at siguro nga, kahit kailan eh hindi ako naging handa, kaya nga hindi mo nalaman eh. Siguro hanggang sa pagtapos ng kolehiyo eh hindi mo na malalaman, ewan bahala na.
Sabi nila, may mga bagay na hindi naman talaga kinukuha o lumilisan na lang ng basta basta, minsan pabaya rin tayo. Hinahayaan nating mawala ito, o kaya nama'y makuha satin. Siguro ganun na nga ang nangyari, natakot ako na ipaalam, nagalit ako sa mga nangyari at napagod na akong masaktan. kaya naman sa halip na sumugal sa panibagong laro na kung tawagin ay pagkakaibigan, ay ipinatalo ko na lang. Minsan kasi nakakatakot din ang sumugal, lalo na kung alam mo naman na wala naman talagang kasiguraduhan kung may mahihita ka. bukod sa maperwisyo, masakit ang matalo.
Hindi ko alam kong natalo nga ba talaga ko, kasi pakiramdam ko naman eh, sa halip na sumugal, nag-patalo na lang ako, alam mo yung winner by default, kasi hindi pa tapos ang karera eh nag pitstop na ako. Sorry kung parati na lang akong nag-dadamdam sayo, pasenya ka na at hindi na lang ako nagparamdam, noong mga panahon kasi na yun, masakit na eh. Sabi nga nung isa sa mga kaibigan mo, minsan kailangan putulin ko raw muna lahat ng ugnayan ko sayo, lalo na kung alam ko na masakit na. Yung totoo, nakakapagod na rin kasing manood at maki-usyoso sayo, yung pakiramdam ko wallpaper lang ako sa buhay mo, nakakapagod din kaya. Pero yung totoo eh, hindi naman nawala yung pag-aalala, bilang kaibigan syempre. Yung mga pinagsamahan natin, lagi kong tatandaan yun, hindi ko malilimutan na kahit papano naman ay may pinagsamahan tayo. kaya lang, kailangan ko na talagang iwan na muna itong mabigat na bagahe na ito, para tuluyan na kong makausad sa buhay ko.
Sabi nung isa sa kaibigan ko, dapat daw isang taon na ang nakaraan, eh dapat daw masaya na ako, siguro andun na yung may katuwan ang kasama. Gustuhin ko man sabihin na may "the one" na ako ngayon eh, wala pa rin eh, suguro nga hindi pa ako handa, kasi alam mo yung totoo eh, matapos ang nakaraan taon, mas naging takot pa akong ibigay ang tiwala, at ang puso ko sa iba. Natatakot akong maulit ang nakaraan, ang maipit na naman sa gitna, kaya gustuhin ko man na buksan ang sarili ko sa daang daang posibilidad, ay hindi ko magawa. Siguro kailangan ko pa ng kaunting panahon, para unti unti ko uling mabuksan ang sarili ko. hindi ko pa alam kung kailangan, pero alam ko eh handa na ulit akong bumangon. yung mga sugat ko, dadalin ko yan bilang alaala ng mga nagdaang laban na natalo, bukod dun, ang mga sugat na ito, ay sumisimbolo sa pagging matatag ko, dahil hanggang ngayon ay andirito pa rin ako, lumalaban ako, at handa na ako.