My life in black and white
Puzzle Pieces

Just like a game of connect the dots
We learn to derive things from previous experiences,
We learn to accept the realization that indeed everything happens for a reason.
And that every experience is a learning lesson.
We learn to smile, laugh and cry
We smile when it hurts, laugh to hide the pain
and love till it hurts no more
this is the beauty of it all
and I wouldn't have it any other way
7.13.2013
Issues and then some @
1:20 PM
"Your not prepared to be in love with me, so soon, cause you've been through enough to have. something holds you back"
Nakakatawa at napakadaming bagay na ang nagdaan, bago pa man ulit ako sumulat. Namiss ko ang magsulat, pakiramdam ko kasi sa tuwing ginagawa ko ang mga project at midterm reports na kailangan sa school ay tila mekanikal na at teknikal na ang pagsusulat. Nawawala na yung emosyon, nakakatawa no, dati mas gusto ko yung mekanikal at teknikal, kahit na masakit sa bangs. Pero natutunan ko kasi na minsan sa buhay, kailangan mo ding makaramdam, kailangan mong madapa, umiyak at tumayo. Sabi nga ika nga ni Ricky Lee dapat ay ninanamnam mo yung bawat karanasan mo. Hindi ganun kadali yun, kaya sa ngayon paunti unti muna ha.
"We don't need to go that far, lets hold on to where we are, if it's real we'll make it through"
Sa ngayon madami akong natutuklasan sa sarili ko, unti unti ko nang natatanggap na natutuwa ako sa mga bagay na may pagkukulang, may naitatago, yung tipong undiscovered pa. yung alam mo na may "komplikasyon". dati naiinis pa akong aminin ito sa sarili ko, kasi galit ng ako sa drama. pero sa ngayon inaamin ko na nga, oo natutuwa ako sa mga bagay na kailangan ayusin, o kailangan kumpunihin, mga taong may tila itinatago. Masarap kasi yung pakiramdam na unti unti silang nag didisclose sayo. yung nararamdaman mo na unti unting bumababa yung wall nila.
"we don't need the world right now, we got time to work it out"
una nagsimula sa fascination yung nararamdaman ko, kasi kakaiba ka, di ko alam kung yung angking talino mo ba yun. pero definitely there was something different about you. ngayon unti unti kitang nakikilala. di ko alam kung mali yung hinala ko sayo. pero sa pagkakataon na nakakausap kita, unti unti kong napapatunayan na oo mali nga ako. hindi ko alam kung matutuwa ba ako, o hindi, kasi hindi masarap sa pakiramdam ang matalo sa pustahan, pero masaya naman ako na mali ako, kasi kahit maliit na pagkakataon, at least may pag-asa. minsan naitatanong ko sa sarili ko, kung bakit kaiba sa nadarama ko yung sinasabi ko, minsan kasi gusto ko lang may magpatunay na mali ako sa hinala ko, kasi ako yung tipo na sa mga ganitong sitwasyon ay i tend to expect the worst. kaya nga siguro gusto ko naman may magpatunay na hindi pa huli ang lahat.
"let me in your heart before it falls apart"
clearly, takot ka mag commit. kasi sa mga nakaraang pagkwekwentuhan natin, ay wala kang ibang sinasambit ukol sa love na yan kundi ang pag-kakadismaya mo dito. hindi ka handa sumugal, kesyo sakit lang ang dala nito ay hindi worth it. kung ano yung dahilan mo, hindi ko matanto, pero gusto kong malaman. kasi naniniwala ako na kung ano man yang rason mo, hindi worth it panghawakan yan. kahit anong sakit pa man yan, hindi worth it yan. tulad nga ng nabaggit ko, nafafascinate ako sayo, hindi ko alam kung natutuwa ako, dahil unti unti na kitang nakikilala, o dahil unti unti nang bumababa yang defensive walls mo. basta alam ko natutuwa ako sayo. sana kung pagbibigyan mo ko, hayaan mong kilalanin pa kita ng lubusan. hindi ko sinasabi na sumugal tayo, ang akin lang, subukan mo lang na buksan yung sarili mo sakin, hindi kita pipilitin, kasi kahit ako mismo natatakot dito. natatakot akong ma-involve, kasi tulad nga ng sabi nila, once your in too deep, your in trouble. siguro yun lang ang pumipigil sakin.
"paano kung patunayan ng isang pinili mo na higit pa siya sa isang libong tinanggihan mo?"
yung ideya mo ng isang relasyon ay nakapaloob sa relasyon na ginamit nila sa pelikulang pinanggalingan ng nasa itaas hindi ba? pwes ba't hindi mo subukan sumugal. baka lang naman may mapala ka. bakit ko nga ba sinasabi to, kasi ako din mismo naranasan yan, at sa ilang taon na nagdaan, na yinakap ko ang pag-iisa at sakit ay wala namang naidulot na mabuti sakin. kaya kung ako sayo. subukan mo, subukan mong buksan sang sarili mo, ang pagkatao mo at ang puso mo. malay mo, this time around may sumalo sayo.