My life in black and white
Puzzle Pieces

Just like a game of connect the dots
We learn to derive things from previous experiences,
We learn to accept the realization that indeed everything happens for a reason.
And that every experience is a learning lesson.
We learn to smile, laugh and cry
We smile when it hurts, laugh to hide the pain
and love till it hurts no more
this is the beauty of it all
and I wouldn't have it any other way
9.19.2015
benda @
10:47 AM
Nitong nakaraang mga araw ay muli kong binalikan at binasa ang isa sa mga paborito kong libro noong bata pa ko na pinamagatang Munting Prinsipe, dala na din ng pagkatuwa sa dulang napanood namin noong nakaraang linggo.
Tunay ngang hindi naluluma ang kwento't aral nito, dahil kahit halos isang dekada na ang nakakaraan nang mabasa ko ito ay malakas pa din ang patama ng munting prinsipe sa lahat ng mambabasa nito. Kung kaya naman patuloy na nananatiling isa sa mga paborito ko ang librong ito.
Nang ako'y nasa ika-anim na baitang, paborito kong balik balikan ang mga linya ng alamid (siguro nga bata pa lang ako, mahilig na akong humogot) pero nang muli kong basahin ang libro, mas tumatak sa akin ang linya ng munting prinsipe. Aniya, ang mga matatanda daw ay nakatuon lamang sa mga bilang, yun lamang daw kasi ang importante. Lingid sa kaalaman nila ay may mga bagay na mas importante pa sa mga numero at bilang.
Sa totoo lang, nitong mga nakaraang taon, aaminin kong nakalimutan ko nang mag-isip nang parang bata, siguro dala na din ng mga pangyayari, kaya kinailangan kong tumanda agad. Mas madaling maging manhid sa sakit, umasta na parang walang nararamdaman, iwas komplikasyon kasi yun. Mas madaling hindi humingi ng tulong, hindi umasa, at hindi magpakita ng kahinaan.
Hindi mo na kinakailangan pang ilahad ang kwento mo, o magpaliwanag kung bakit ka nagmamatigas, kasi tanggap na ng lipunan na ganun ka. Hindi ba mas madaling ganun? Mas madaling maging matanda, kaysa maging bata na marunong mangarap ng mataas. Isang bata na hindi takot magtanong, walang alinlangang magkamali, at hindi nagaalangang magalusan, madapa at bumangon. Isang batang hindi takot magpakita ng kahinaan, ng emosyon at ng pagtangos.
Nitong nakaraang taon, mas pinili kong umasta ng parang matanda, kasi mas madali para sakin. Mas madaling ilahad sa tao kung ilang taon na ang nakalipas nang umalis ka, kung ilan taon ka nung lumisan at kung gaano katagal ka pa namin nakasama. Nakalimutan kong alalahanin yung mga importanteng bagay. Kung papaano ka na nga ba tumawa pa, kung anong paborito mong awit, kung papaano mo ko pagsabihan pag galit ka o kaya pag nagaalala ka.
Pinili kong maging matanda Pa, kasi mas katanggap tanggap yun ng lahat. Hindi ko napansin na sa nais kong mas mapadaling tapusin ang pagluluksa, ay mas napadali ko din ang paglimot sa alaala mo. Minsan natatakot akong aminin sa sarili ko na nangungulila ako Pa, kasi natatakot akong mabasa ng mga tao, na matawag na mahina. Kasi hindi pwede, hindi maari, lalo na para kayna Mama.
Pero hindi naman pala masamang maging mahina, hindi naman pala masamang magpakita ng emosyon. Eto yung kailangan kong matutunan pa. Sana yun ang maiwasto ko. Nais kong matutunang bukasan ang sarili ko sa sakit, kasi alam kong ito ang magpapatatag sakin. Ang mga sugat ng nakaraan ang siyang bubuo ng kwento ng kinabukasan. Nawa'y magkaroon ako ng lakas ng loob na unti unting tanggalin ang benda ng mga sugat ko. Siguro sa tamang panahon.