My life in black and white
Puzzle Pieces

Just like a game of connect the dots
We learn to derive things from previous experiences,
We learn to accept the realization that indeed everything happens for a reason.
And that every experience is a learning lesson.
We learn to smile, laugh and cry
We smile when it hurts, laugh to hide the pain
and love till it hurts no more
this is the beauty of it all
and I wouldn't have it any other way
10.17.2015
Agam-agam @
10:57 AM
"nag-iisip kung dapat bang bumitaw"
Napanood ko na din sa wakas ang isa sa mga pelikulang matagal ko nang inaabangang panoorin. Akalain mo sa ganitong panahon ko pa siya mapapanood, sakto sa lamig at hangin. Maraming mga bagay na umaantala at pasikot sikot sa isip ko sa totoo lang, kaya nga hindi ko mapigilan na magsulat. Magsulat na para sa aking sarili, para sayo nakakabasa nito, sa kabarkada ko at sa kapit bahay ko na possibleng may agam agam at may pinagdadaanan din na tulad ko. Huwag mo sana akong pangunahan, hindi naman sa may pinagdadaanan ako, marami lang ako iniisip, mga bagay na alam kong hindi ko na dapat hinihimay, pero wala nagkakataon na naiisip ko pa din.
"Makikinig ba ko sa aking isip na dati pa namang magulo"
Oo aminado ako na magulo ako, minsan oo, pero madalas hindi. Mukha akong matatag, matapang. bato. Pero ang totoo, tao din ako, nasasaktan. Kung inaakala mo na hindi ko kayang magmalasakit, nagkakamali ka marahil. Kinailangan kong maging bato, maging matatag, hindi ko ginusto yun, kinailangan kasi dala ng panahon.
"kulang na lang atakihin, ang paghinga'y nabibitin"
Minsan, gusto kong ipakita yung pagmamalasakit ko. Kasi alam kong kaya ko naman yun, alam kong kaya ng puso ko yun, kaso natitigilan ako. Napapaisip ako, tama ba talaga tong ginagawa ko, anong sasabihin ng tao. Laging may alintana, pero wag ka sanang mag-alangan, lagi naman akong nag-aalala sayo, hindi mo lang napapansin, kasi hindi ko pinapakita. Mas maigi yun, para sa ikitatahimik ng lahat. Nagtataka ka man o hindi, ako sigurado ako, sigurado akong mahalaga ka.