My life in black and white
Puzzle Pieces

Just like a game of connect the dots
We learn to derive things from previous experiences,
We learn to accept the realization that indeed everything happens for a reason.
And that every experience is a learning lesson.
We learn to smile, laugh and cry
We smile when it hurts, laugh to hide the pain
and love till it hurts no more
this is the beauty of it all
and I wouldn't have it any other way
11.01.2015
Paumanhin @
9:58 AM
Gawi nang matagal din akong hindi nakapagsulat sa wika na pinaka komportable ako, at naniniwala akong mas maipapahayag ko sa payak na paraan ang saloobin ko nang gamit ang midyum na ito, isususlat ko ang post na ito sa Filipino.
Sa totoo lang, masaya ako nitong mga nakaraang araw, pinili ko yun. May isang malapit na kaibigan kasi akong nagpayo na ayos lang naman daw na maging masaya. Matagal tagal na din nang huli kong madama ang ganitong saya, kaya gusto ko lang sabihin, salamat.
Wala tayong kahit ano mang ugnayan, magkaibigan marahil, pero yung mga nararamdaman ko, hindi lang basta pang kaibigan. Pero kahit ganun, masaya ako. Salamat kasi dahil sa'yo naramdaman ko na buhay pa pala ako, at ayos lang naman pala maging masaya. Yung totoo, habang unti unti kong nabubungkal at nakikilala yung pagkatao mo, ay mas natutuwa ako sa'yo. Salamat kasi unti-unti ko na namang binuksan ang sarili ko sa posibilidad na tulad ko, may mga simpleng tao pa rin na natitira. At hindi ko na kinakailangan pang magtago sa sakit o kaya sa storya ng buhay ko para may makaintindi sakin.
Salamat kasi unti-unti mong sinusubok yung tatag ko ng loob. Alam kong habang unti-unti kitang kinikilala ay unti unti akong napapalapit sa isang masukal na bangin. Kailangan mong tumalon, oo pero nag-aalangan pa ko. Pero dahil bukas na ko sa kung ano mang maaring mangyari, nais na naman kitang pasalamatan, kasi habang sinusubok mo ko, ay unti-unti akong tumatatag.
Paumanhin kung hindi pa kita lubos na kinakausap, paumanhin sa distansya, hindi ibig sabihin nito ay bumalik na ulit tayo sa dati, tinitimpla ko pa lang kung anong dapat mangyari, at kung anong dapat gawin. Muli humihingi ako ng panahon. paumanhin, paumanhin, konti na lang, paumanhin.