My life in black and white
Puzzle Pieces

Just like a game of connect the dots
We learn to derive things from previous experiences,
We learn to accept the realization that indeed everything happens for a reason.
And that every experience is a learning lesson.
We learn to smile, laugh and cry
We smile when it hurts, laugh to hide the pain
and love till it hurts no more
this is the beauty of it all
and I wouldn't have it any other way
8.04.2019
Dapithapon @
10:12 AM
Sana.
Salitang nasasambit natin kadalasan, paghuli na. Sana nasabi ko ng masa maaga, sana nalaman niya.
Sana, sana.
Ito’y isang liham para sa lahat ng naging sana ko nitong nga nakaraang taon.
Sa aking unang “sana”. Maganda ang naging samahan natin. Masaya akong binabalik balikan ang mga alaala natin sa klase. Bagama’t hindi ko pa rin tunay na nauunawaan kung papaano tayo naging magkaibigan, nagpapasalamat ako at nagkakilanlan tayo. Siguro nga hanggang dun lang talaga ang takbo ng kwento natin ano? Sana nagawa ko pang tumawa at makinig sayo sa mga panahong kailangan mo ng sandalan. Sana nagawa kong maging tunay at tapat na kaibigan.
Sa unang nagpakita sakin na possibleng mahulog ang loob ko sa hindi ko inaasahang pagkakataon. Sa panahon kung san pinili kong isara muna ang pinto ng puso ko dahil ako’y napagod at puso ko’y pagal, salamat. Ipinakita mo na ang tunay na nagmamahal, nagbibigay kahit na masakit minsan. Sa buong puso mong pagpapakita ng malasakit sa mga taong mahal at minahal mo, natutunan ko na ang tunay na pagmamahal ay mapagpalaya. Lahat tayo may kakayahan na piliin mag mahal kadalasan lang tumatanggi tayo.
Sa aking bulalakaw, na minsan lang sa buhay ko dumaan, hindi ko pa inasahan. Salamat sa pagpapakita ng malasakit. Bagama’t may krus karing buhat at hindi ito naging
madali sayo, salamat sa katatagan mong ipinakita. Ang biglaang pagtatagpo natin ay marahil may dahilan, kung bakit kinailangan pa natin magkita sa hindi magandang pagkakataon yan ang hindi ko
mawarii. Nawa’y masaya ka sa landas mong tatahakin.
At sa iyo, na sana’y pinakahuli ko na. Maraming salamat sa saya na ibinigay mo. Bagama’t saglit lamang ang pagkakakilanlan natin, matinding galak ang dinala nito sa buhay ko. Nagawa mong mapatalon ang puso kong nagalit sa mundo ng panandalian. Ngunit nagawa mo ding paluhain ako. Hindi ko inasahan ang mabilis na pangyayari ngunit ang lagi ko na lang iniisip, lahat ng bagay ay nangyayari ayon sa nakatakda.
Salamat sa muntik na sana pero hindi umabot. Salamat sa pagpapaalala na buhay pa pala ang puso ko, hindi pa ito patay, tumitibok at nasasaktan pa rin. Salamat sa pagpapaalala na ang tunay na ganda ay hindi lang panlabas, pati ang kalooban. Salamat sa dala mong sakit, nagawa kong magsulat muli. Higit sa lahat salamat sa baon mong aral. Masakit man pero kailangan.
Sa lahat ng mga sana ko.
Lahat kayo’y may importanteng bahagi sa buhay ko, at may munting puwang sa puso ko.
Ngayon panahon nang ibaon ang mga Sana.
Paalam at salamat.